Pagtugon sa emergency at pagbangon
Ang Pilipinas ay nakararanas ng 18-20 bagyo taun-taon, na nagdudulot ng malaking pinsalang pang-ekonomiya. Sa nakalipas na dekada, nagresulta sa €7.45 bilyon na pinsala at pagkawala ng mahigit 12,000 na buhay ang sakunang ito. Bilang tugon sa patuloy na hamon ng kalamidad, nakatuon ang PIN Philippines sa pagpapalakas at paghahanda sa mga lugar at mamamayan na madalas tamaan ng bagyo lalo na sa bahaing lugar ng Mindanao. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng early warning system, pinapalakas ng proyekto ang kakayahan ng mamamayan sa paghanda sa sakuna at mas maging matatag at mahusay ang mekanismo sa pag-iwas ng pinsala at epekto ng kalamidad.
Tumulong din kami sa pinsala ng Marawi War noong 2017 na nagresulta sa paglikas ng libo-libong tao mula sa kanilang tahanan, Nakipagtulungan kami sa mga lokal na organisasyon upang mabigyan ng mga uniporme ang mga kabataang naapektuhan ng kaguluhan, makapagbigay ng legal na payo at psychosocial na suporta. Bukod dito, nag-alok kami ng mga sub-grant sa mga lokal na grupo at naglunsad ng programa para sa kabataan upang itaas ang pagtanggap at respeto sa iba't ibang mga paniniwala at kultura. Nagkampanya rin kami upang labanan ang maling impormasyon tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng information campaign habang binibigyang prayoridad ang mga hakbang pagkaligtasan.
Kasalukuyang aktibidadORNagdaang aktibidad
Strengthening Resiliency Through Early Action and Impact Mitigation
Kabiliang dito ang mga lugar na madalas tamaan ng baha kagaya ng mga lugar sa Caraga, Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao, Misamis Occidental, at Zamboanga del Sur. Ang proyekto ay makikipagtulungan sa iba't ibang stakeholder, lalo na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, Department of Science and Technology (DOST), Target Barangays/Communities, at Smart Communications Inc.
Strengthening partnerships for localized humanitarian leadership and emergency response efforts in the Philippines (SPHERE-PH)
Makikipagtulungan ang proyekto sa apat na lokal na non-government organizations, kabilang ang Balay Mindanao Foundation Inc., Maranao People Development Center Inc., Integrated Rural Development Foundation of the Philippines, Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan.
Suporta sa mga kabataan matapos ang giyera sa Marawi
Ang mga rebelde na nagdeklara ng kanilang suporta sa tinatawag na Islamic State ang kumontrol sa lungsod sa katapusan ng Mayo 2017. Lumala ang kaguluhan nang simulan ng pamahalaan ng Pilipinas ang isang operasyon upang hulihin ang isa sa mga lider ng mga Islamista. Ang pinakamalaking urbanong digmaan sa kasaysayan ng modernong Pilipinas ay tumagal ng 6 na buwan at nagdulot ng pinsalang tinatayang nagkakahalaga ng 20 bilyong Piso.
Simula Oktubre 2017, ang People in Need ay tumulong sa mga bata na nawalan ng tirahan na makabalik sa paaralan upang muling mabuhay ang kanilang mga dating buhay bago ang krisis. Sinusuportahan ng PIN ang mga mag-aaral sa pagbibigay sa kanila ng mga uniporme sa paaralan. Kasama ng mga lokal na partners, kami ay namigay ng psychological support at tumulong sa pagpapalit ng nawawalang personal na mga dokumento tulad ng birth certificates, ID cards, at mga ulat sa paaralan na kinakailangan para makapag-enrol ang kabataan.