Climate resilience
Sa kasalukuyan, ang aming operasyon ay nakatuon sa isla ng Mindanao, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Caraga. Layunin namin na palakasin ang kakayahan ng mga mahihirap na komunidad at mapataas ang kanilang kaalaman sa epekto ng mga posibleng kalamidad. Bukod dito, hangad naming mapalaganap ang kapayapaan, pagkakaisa, at seguridad para sa value-chain ng agrikultura at aquaculture sa rehiyon ng Bangsamoro. Kasama dito ang pagtaas ng kalidad at pagkakaiba-iba ng produksyon ng kape at seaweed, sa pamamagitan ng pagbibigay access sa inputs, extension services, mga pasilidad sa pagproseso, at financial services.
Naging aktibo din ang PIN sa Northern Samar at Northern Mindanao, kung saan nagbigay daan kami sa pag-access ng renewable energy nagbigay ilaw sa mga tahanan at nakatulong sa kanilang kabuhayan. Tumulong din kami sa pagbalik ng kabuhayan sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan sa agrikultura.
Ang Eastern Samar ay isa sa nahagupit ng Bagyong Yolanda noong 2013. Dahil dito nawalan ng kabuhayan at pinagkakakitaan ang mga mamamayan na naging dahilan upang malugmok sila sa utang.
Kasalukuyang aktibidadORNagdaang aktibidad
Leveraging and Expanding Agri-Aqua Production in Bangsamoro (LEAP)
Nangangako ang proyekto na tutugon sa pangangailangan upang mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at nagtitinda pati na rin sa kontribusyon sa pagpapataas ng ekonomiya, pagkakaisa ng komunidad, at matatag na agrikultura sa rehiyon ng Bangsamoro.